Showing posts with label PINOY. Show all posts
Showing posts with label PINOY. Show all posts

Wednesday, October 28, 2015

Eto ang Nangyayari Ngayon sa Bansang Pilipinas...

Eto ang nangyayari Ngayon sa bansang Pilipinas...
Bago ka umuwi sa Pilipinas, Magpapadala ka ng bagahe na balikbayan box mo, 
mag-aalala ka kung makakarating ba sa pinas yong box mo ng maayos at hindi mabubuksan ng mga tagacustom...
Sa araw ng uwi mo sa pinas, paglapag mo sa airport , mag aalala ka dahil baka buksan ng taga custom ang mga dala mong pasalubong para sa mga pamilya mo at patawan ka ng sobra sobrang tax....
Paglabas mo ng airport...mag aalala ka dahil baka mabiktima ka ng riding in tandem, budol budol gang, salisi gang, akyat bahay gang at kung ano anong klase ng modus at gang.....
Sa araw ng alis mo at iiwan mo na ang Pilipinas para bumalik at magtrabaho ka ulit sa ibang bansa...
Mag aalala ka na naman dahil baka mataniman ka ng bala o mabiktima ka ng laglag bala sa airport at di ka pa makaalis.
ETO ANG GOBYERNO NATIN ...Ang Tuwid na Daan !!!
MAG ISIP NA TAYO KABABAYAN IBOTO NATIN ANG TAMANG MAMUMUNO SA BANSA...NAKAKAAWA NA ANG PILIPINAS.

UYYYY...HINDI KA HERO NINOY AQUINO . . .

Ayon sa mga eksperto sa kasaysayan, naging bayani lang si dating Senador Ninoy Aquino dahil naging presidente ng Pilipinas ang misis niyang si Cory Aquino matapos mapatalsik sa pwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng EDSA People Power Revolution noong 1986. Hanggang ngayon ay marami ang kumukwestyon kung bakit nasa perang papel ang mukha ni Ninoy gayung mas marami pang Pilipino ang nagbuwis ng buhay para sa bayan gayundin ang mga Pilipinong may malaking kontribusyon para sa inang bayan. Anila, hindi dapat maging bayani si Ninoy dahil ito ay:

▪ Puro salita
▪ Puro batikos sa gobyerno
▪ Walang charity projects
▪ Di inalay ang sarili para sa bayan. Pinatay siya.
▪ Di binigay sa mga mahihirap ang Hacienda Luisita
▪ Binenta ang Sabah sa Malaysia
▪ Nakipagsabwatan sa mga rebeldeng NPA para pabagsakin ang gobyerno Ano pa?

 Ang pagkabayani ay di nasusukat sa kamatayan. Kung kamatayan lamang ang sukatan ng pagkabayani, libo-libo na siguro ang mga bayaning dapat nating tingalain. Bawat isa sa atin ay maaaring matawag na bayani ngunit ang pagkabayaning aking tinutukoy ay ang pagkabayaning dapat pamarisan, pagkabayaning nakaimpluwensya sa buhay ng milyong tao, pagkabayaning dapat kilalanin. Hindi rin maaaring masukat sa kung sino pa ang naaalala nating mga bayani dahil kayang paikutin ng mga may kapangyarihan ang kasaysayan. Ang pagkabayani ay nasusukat sa bukal na adhikaing mapaunlad ang bayan ng walang agendang itinatago. Malalim ang kahulugan ng pagiging bayani. Hindi naikakahon sa kamatayan, hindi nailalagay sa perang papel, hindi inaalala sa mga lugar na ipinangalan sa alaala ng taong iyon. Ang pagkabayani ay nasa puso, nasa adhikain, nasa pangarap at hindi iyon nakita kay Ninoy. Na-head shot lang sa tarmac naging hero na agad?


ANG PAGKAKAALAM NG MARAMI MGA KAALYADO MISMO NI NINOY AQUINO AT MGA KAMAG ANAK NYA ANG MISMO NAGPAPATAY SA KANYA AT MISMO RIN ANG MAY KATAWAN ANG MAY GUSTO NA PATAYIN SYA KASI MAY SAKIT SI NINOY AQUINO DI NA RIN MAGTATAGAL KAYA NAG PASYA NA SYA UPANG MALASON ANG ISIPAN NG SAMBAYANANG PILIPINO PARA MAPATALSIK ANG DATING PRESIDENTE NA SI FERDINAND MARCOS...HAY NAKO PAG ISIPAN NYO MABUTI MGA KABABAYAN TAMA NA ANG MARUMING PAMAMALAKAD, NAKAKAPAGOD NA.
GOD BLESS PHILIPPINES NOT THE CORRUPT POLITICS.

Tuesday, September 22, 2015

DAHILAN KUNG BAKIT BUMAGSAK ANG EKONOMIYA NG PILIPINAS . . .


REPOST:

Eto po bigyan nyo ng pansin. Tungkol kung bakit BUMAGSAK ekonomiya natin.


Basahin mo ang Confessions of an Economic Hitman para maintindihan mo kung pano kinokontrol ng mga finance giants (imf/world bank/US corporations) ang isang third world country na mayaman sa natural resources. Ganyan na ganyan ang ginawa kay Marcos. Pero hindi cia pumayag sa kundisyon ng mga financial institutions na to kaya pinagtulungan ciang ibagsak. Ginawang puppet si cory aquino para maipatupad nila mga kondisyones nila sa mga proyektong naipatayo dahil sa pautang nila. Yun ang naging dahilan kaya d naibalik ang loan at lalong lumubo dahil sa inflation. Marcos was a visionary. He has the VISION that goes against corporatocracy and oligarchy. Yan ang dahilan kaya cia pinagtulung tulungang ibagsak.

Pag d mo gets yan, magresearch ka.

Ganito yan.. Umutang si Makoy at nagpagawa cia ng mga infrastructures. Nakita ng mga loan sharks (finance giants) na maibabalik sa kanila ung loan pero unti lang kikitahin nila tapos wala pa silang control sa ekonomiya ng bansa. So gumawa sila ng iba pang kondisyones para magpautang ulit. Kailangan sila ang pipili ng developer. Kailangang control nila ang intrastructure. Kailangang private at subsidized lang ng gobyerno. Pero ayaw ni Makoy yan dahil alam nia ang implikasyon ng ganung kasunduan.. Hindi makikinabang ang bansa sa kikitahin. Pero dahil hindi nila matalo sa legal process about international funding si Makoy (lawyer eh.. MATALINO at alam nia ang batas), kailangang mapatalsik cia sa power ng mga loan sharks (IMF/world bank/US based companies) na to para makuha nila gusto nila kapalit ng uutangin sa kanila. Pinagsama sama nila ang mga "power/money greed" na kalaban ni Makoy para gawan cia ng conspiracies at sirain ang pamamalakad nia. It is corporatocracy / olygarchy versus Marcos Governance. Una, umatake sila through destabilization - bomba dito, bomba dyan. Kumonista dito, ralyista dyan. Iresponsableng journalism dito (mga bayaran) at propaganda dyan. Ung mga nagorganize ng mga rally, pinagsasalvage mga leader at members nito para maibato ang kasalanan kay Makoy (gandang plano diba?? Effective para sa mga madaling mabrainwash). Naideklara ang Martial Law para labanan ang kaguluhang inumpisahan ng mga kalaban nia pero shempre, may mga bayarang militar na pinagaabuso ang kapangyarihan nila - dahil dyan, kasalanan na naman ni Makoy (propaganda eh) Galing ng mga atake diba?

Si Makoy ay makabansa at pinaka-ayaw nia na nagagamit ang mga kababayan nia laban sa kanya..

Dumating ang EDSA Revolt. It was bloodless and peaceful despite Marcos having enough military force to put up a good fight. Pero makatao cia at mahal nia kababayan nia (pro or against him) kaya bumaba cia sa pwesto ng di lumaban sa dahas. Ayaw niang maging collateral damage ang mga mamamayan sa pinaglalaban ng mga galit sa kanya. Ibang iba to sa na ginagawa ng mga diktador (they fight with teeth. Usually ends up to a bloody event) sa ibang bansa pag nagkaka civil war sa kanila.

So, panalo sila. Cory became president and as a puppet, kailangan niang ibalik ang favor and dahil dyan, she followed what the loan sharks asked her to do in exchange of helping her oust Marcos para makuha nia posisyon nia. Pinagsasara mga naipundar ni Marcos (ex Bataan Nuclear Plant), pinagbebenta, ginawang private. Eh putcha, pano ka makakabayad sa utang nian kung wala ka namang kikitahin (dahil mga loan sharks at oligarchs ang nagmamanage na sa kanila). At dahil d na nakabayad, nagiinteres na. Idagdag mo pa ang INFLATION kaya lalong lumubo. Tiba tiba mga loan sharks at private companies. Panalo sila. Talo ang mga mamamayan.

D pa sila natapos. Para maging malinis ang ginawa nila, binato pa ng binato si marcos. Binaliktad na cia ngaun sa mga utang. Naglabas na sila ng mga fabricated documents against him. Sinabihan na ciang magnanakaw at mangungupit. Syempre, mababa na morale ng mga tao dahil sa kahirapan dulot ng destabilzation at loan debts, kailangan nila ng mableblame. Oh di si Marcos na lang (wala na, nabrainwash na).

Umabot sa puntong kinasuhan at nilitis ang mga Marcoses sa international courts - ACQUITTED of all charges. Why??? Kasi nga they have legal and valid documents to prove their innocence against the cases filed against them.

Sabi, andami daw nabawi sa mga Marcos. Nabawi ba or ninakaw?? Sige, nabawi na lang (para naman tumaas morale ng mga mapagbintang), pero asan na. Nakinabang na ba mga tao?? Ahhhh ehhhhh hindi po ehhh!! Either wala tlagang nabawi or napunta na sa mga totoong magnanakaw sa mga sumunod na adminstrasyon. Wow!! Win-win!! May naibulsa na sila, nagmukha pang masama si Marcos. Panalong panalo!

Pero ang mga mamamayan ngaun (majority) eh naghihirap. Utang ng utang, wala namang naipupundar. May mga projects (short-terms and shady ones) pero pili ang mga nakikinabang. Pagsamasamahin man mga naging proyekto nila in 27 years after Marcos, d pa nila makalahati compared sa mga projects and accomplishments nia in 20 years.

So, please. Tama na ang pagbubulag-bulagan at tama na ang pagbibintang.. Si Marcos lang ang nagisip ng long-term projects na ung iba (hindi pa napapalitan ang pangalan at naibebenta) eh kinamkam na rin to discredit him.

Gising!!

Salamat sa pagbabasa.
free counters