Wednesday, January 27, 2016

SA MAKATI MAGANDA TALAGA ANG BUHAY...NG MGA BINAY. :)


Ito ay ang tunay na naganap sa Dasmarinas Village na hindi nilabas ng anuman TV stations or media outfit maliban lang sa PERK UP! The Philippine Business and News Forum.

Dito makikita natin kung paano ginarapal ng mga anak ni Binay na sila Mayor Junjun Binay at Senator Nancy Binay ang mga guwardiyang sumusunod lamang sa tungkulin na bawal dumaan sa gate ng Dasmarinas sa takdang oras. Maraming mga ambassadors sa ibang bansa at iba pang matataas na opisyal sa ating bansa ang sumusunod sa patakarang ito, subalit para sa pamilyang Binay, sila ang hari sa Makati.

Dito makikita ninyo kung paano pinagduduro ni Mayor Junjun Binay ang mga security guards at kung paano nilang tinutukan, dinis-armahan ang mga guwardiya at sa huli ay pinakulong. Makikita din dito kung paano ang nagpapanggap na "Nanay ng Masa" na si Senator Nancy Binay ay bumunot ng baril sa halip na awatin ang kapatid na Mayor na mali at nagpupumilit na dumaan sa gate na ito.

Ang sabi ni Bise Presidente Jojo Binay, "Bigyan nyo naman ng unting respeto ang mga anak ko..." ANO DAW KAUNTING RESPETO? Mr. Vice President, ang respeto hindi hinihingi, ibinibigay. Nirespeto po ba nila ang patakaran ng Dasmarinas Village? Inerespeto po ba ng mga anak ninyo ang mga gwardiyang nagpapatupad at tumutupad sa kanilang tungkulin?

Ganito daw sila sa Makati... Magiging ganyan din sa buong Pilipinas. PAPAYAG BA KAYO??

No comments:

Post a Comment